simple realization:
bakit may mga bagay na gusto tayong makuha pero kung tutuusin ay nandyan naman sa tabi mo ang bagay na kailangan mo? bakit kailangan mo pang paghirapan para lang makuha ito? at bakit pag andyan na sayo, darating yung time na sasabihin mo na lang na, "ayaw ko na dito". hindi ito ang gusto ko, "pede bang ibalik yung bagay na andyan sa tabi ko na di ko pinahalagahan?".
narealize ko lang, bakit nga ganun? hanap tayo ng hanap ng mga bagay na magpapasaya sa atin e sa tutuusin nman e andyan lang yun sa tabi-tabi di lang natin pinapansin. bakit kailangan pa nating pahirapan ang sarili natin para lang makuha ito? nakakasakit pa tayo para lang makuha ito pero di natin alam na pede naman na hindi tayo makasakit kung mapapansin lang natin ang mga bagay na sa tingin natin ay di mahalaga pero sya palang magbibigay sa atin ng tunay na kaligayahan.
ganun din daw sa love,
may mahal ka na hindi ka mahal at may nagmamahal sayo na handang ibigay sayo ang lahat pero di mo naman napapansin. bakit nga daw ganun?
bakit hindi na lang yung mahal mo ai mahal ka? bakit kelangan na yung hindi mo gusto ang mahal ka? mahirap pero kailangang tanggapin na may mga bagay na ganun talaga.
siguro nga, kaya yun ginawa ni Lord para marealize natin na hindi lahat ng gusto natin ay nakukuha natin. tinuturuan din tayo na pahalagahan ang mga bagay na meron na tayo at wag ng maghangad pa ng labis.
No comments:
Post a Comment